Sunday, November 12, 2023

AIEdventure sa HongKong at Macau ๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ฐ๐Ÿ‡ฒ๐Ÿ‡ด

Mabuhay! This blog is all about our adventure sa Hong Kong at Macau (June 2019). Enjoy reading!๐Ÿค—


NOTE: Hindi ako professional blogger. Gusto ko lang i-share yung experience ko sa mga napu-puntahan ko at hoping na may makuha kayo na idea at tips.

[ Summary ng gastos included sa end ng blog ] 


Day 1:  Hello, Hong Kong!

Monday, June 10, 2019


Kumuha kami ng package sa Amity Travel - Dagupan (worth 16,999 PHP per person) para sa trip namin sa Hong Kong while DIY naman ang sa Macau.

Package inclusion:
  • Manila to Hong Kong and Macau to Manila flight ticket via Cebu Pacific (with 7kg carry-on luggage only)
  • 3 Days and 2 Nights at Hotel Ease Access - Tsuen Wan with outside breakfast
  • Half-day Hong Kong City Tour
  • Half-day ride all you can sa Hong Kong Disneyland
Additional bayad sa airport sa Pilipinas ay ang Travel Tax/Terminal fee worth 1,620 PHP.


After namin sa immigration ay inuna namin mag pa-palit ng konting pera (USD to HKD) sa airport para may magamit na kami kahit paano. Pero I suggest na sa labas kayo pa-change kasi mas malaki ang palitan doon. Dumiresto na rin kami agad para hanapin ang aming airport pick-up. Madali lang naman mahanap at binigyan na kami mismo ng agency ng details paano ang gagawin.

Dumating kami sa hotel around 2:00 PM na, nag pahinga lang ng saglit at lumabas na rin kaagad para kumain ng lunch. Since malapit lang sa hotel namin ang McDonalds ay dito na kami kumain.

Late Lunch sa McDonalds - 75 HKD (for 3 people)

Since free time namin ay nag decide kami na gumala. Buti na lang ay malapit ang aming hotel sa Kwai Hing Station.

 
From Kwai Hing To Mongkok -  9.500 HKD per person


     
Bought souvenirs here pampasalubong. Naghanap din kami ng street foods pero hindi talaga namin nakita that time kaya bumili na lang kami ng drinks at sumakay na ulit kami ng train station para sa next itinerary namin.

     ๐Ÿง‹Sweet Monster, Brown Sugar Milk Tea -  24.00 HKD
     ๐ŸšFrom Mongkok To Tsim Sha Tsu | 5.500 HKD per person





Light show starts every 8:00 PM.



Naghanap lang kami ng malapit na restaurant na may magandang review online and we paid 258 HKD (86 HKD per person)  para sa dinner.


     

After dinner ay sumakay na kami ng train from Tsim Sha Tsu to Tsuen Wan pauwi (HKD 11.500 per person). While walking pabalik ng hotel from the station ay may nadaanan kami na 7/11 kaya pumasok na rin kami since gusto namin ng dessert.



     ☕️Iced Coffee in Can - 12 HKD
     ๐ŸฆMatcha Ice Cream - 23 HKD
     ๐ŸŠTatlong piraso ng Orange  - 12 HKD
     ๐Ÿ’งDawalang Litre ng Tubig - 24 HKD
     ๐ŸชDorayaki - 19 HKD

Day 2:  Hong Kong City Tour + Hong Kong Disneyland

Tuesday, June 11, 2019


HONG KONG CITY TOUR
  • City Tour on a Bus - Tour guide is explaining about the history ng Hong Kong habang kami ay nasa byahe.

  • Avenues of Stars
  • Jewelry Workshop
  • Abeerdeen Fishing Village - Hindi kasama sa package ang Sampan Ride so choice mo na lang kung gusto mo mag bayad para makasakay.
    

  Sampan Ride HKD - 60 HKD per person 
  • Souvenir Store - Wala kami nabili dito kasi nakabili na kami sa Ladies Night Market.

Bago kami ihatid sa Disneyland ay siningil na kami ng tip (
55 HKD per person) para sa guide which noted naman ng agency bago kami umalis. 
      

HONG KONG DISNEYLAND

 

Kahit half day lang kami dito ay naka anim na rides din kami. Sayang lang at ang lakas na ng ulan around 5:00 PM kaya hindi na kami naka sakay sa iba pa. Pero overall, sobrang saya talaga dito another added core memory.

Kumain pala kami ng lunch at dinner sa stall na nasa gilid after ng arc (right side) ng Disneyland. Mas mura kasi dito habang ang snack ay sa loob ng Disneyland na mismo. 

Lunch, Snack and Dinner - 301 HKD for 3 person

Day 3:  Bye, Hong Kong! Hello, Macau!

Wednesday, June 12, 2019


Gagala pa sana kami ng morning bago mag Macau pero late na kami nagising. Kaya pagka check out sa hotel ay nag lunch na kami sa same restaurant kung saan kami nag breakfast kahapon at dumiretso papunta sa train station. 
Lunch - 110 HKD for 3 person

Mga sinakyan para makapunta sa port ng Macau:

     ๐Ÿš„ From Kwai Fong To Tung Chung Station - 17 HKD per person
     ๐Ÿฆถ Lakad from train station to Nina Tower
     ๐Ÿš From Nina Tower  to HZMB Port -18.900 HKD per person 

Habang papunta sa train station ay may nadaanan kaming street foods at Hong Kong Egg Tart kaya bumili na rin kami para matikman.

Street Food - 58 HKD
Hong Kong Egg Tart - 24 HKD

     ๐Ÿš From HZMB Port to Macau - 65 HKD per person


Arrival sa Macau Port

And yes, It's TOUCHDOWN MACAU! Mabilis lang naman ang process para makapasok sa Macau. Wala din tao masyado at hindi hassle. May mga bus at taxi dito depende kung saan ka papunta. Sa case namin sumakay lang kami sa free shuttle ng hotel na pag-sstayan namin.



The Parisian Hotel

May friend ako na nag wo-work dito kaya nabigyan kami ng discount at halagang 6,500 PHP for 1 night lang ang binayaran namin.


After namin mag-pahinga ay gumala naman kami sa Parisian Hotel  at The Venetian Macau buti na lang at may connecting na daan ang bawat hotel. Naulan din kasi sa labas kaya dito na kami nag ikot-ikot at dinner. 

Eiffel Tower | Parisian Hotel


Dinner sa Venetian Food Court 

Dinner 213 HKD for 3 person

The Venetian



Casino sa Venetian at Parisian

First time namin lahat makapasok sa isang casino kaya wala kami idea paano maglaro. Kaya ayun naubos ang 150 HKD ko dito. ๐Ÿคฃ

 

Day 4:  Last Hoorah sa Macau!

Thursday, June 13, 2019


Bago kami mag check-out ng 12:00 PM ay nag-enjoy muna kami sa pool ng hotel.Wala palang kasamang breakfast buffet un binook namin pero may baon kaming food from Pinas pang breakfast para makatipid na rin.


After check out ay sinundo na kami ng friend ko, bago kami umalis ay nag lunch muna kami sa food court ng Parisian. May discount pala kapag employee ka dito kaya naka less din sa budget para sa food.

Lunch | The Parisian Food Court - 130 HKD


Nag bus kami papunta sa Senado Square (6 HKD per person), make sure na sakto ang pera at hindi sila nagsusukli. Ang dami rin bilihan sa paligid at since naulan ng malakas ay nagpatila muna kami sa mga shops at ayun na nga napabili na rin sa Sasa, Giordano at Watsons ๐Ÿคฃ. At habang on the way kami papunta sa Ruins ay tinikman na rin namin ano lasa ng Egg Tart dito sa Macau. Madami rin pa-free taste at mapapabili ka kasi masarap naman din talaga.


Macau Egg Tart - 10 HKD per piece




Casino Hopping


Since basang-basa na kami sa ulan ay nag-stay muna kami sa bahay ng friend ko para maka-rest at patuyo na rin. After ay nag Casino hopping na lang kami. Hirap na din kasi mapuntahan ang ibang lugar since hindi talaga natapos ang pag-ulan. 

     ๐Ÿ‚ก  Grand Lisboa
     ๐Ÿ‚ก  Wynn Hotel
     ๐Ÿ‚ก  MGM Casino Hotel

After ay bumalik na kami sa Parisian Hotel para kunin ang iniwan naming mga maleta at ng hindi rin kami ma-late sa flight. 

     ๐Ÿš Bus pabalik ng Hotel | 6 HKD per person 
 
NOTE: Need palaging dala ang passport kasi lagi ito hiningi everytime papasok ka ng casino.

Paalam, Parisian!  Paalam, Macau!       

Bago sumakay ng free shuttle papunta sa airport ay bumili muna kami ng egg tart sa Parisian pampasalubong. Sa lahat ng egg tart na natikman ko sa trip, itong sa Parisian ang favorite ko. 
Sa airport na rin pala kami nag dinner while waiting mag-board.  

Overall sobrang saya ng trip na 'to kahit na maulan ay nag-enjoy pa rin kami. At hoping na sana makabalik kami ulit ng hindi na season ng ulan. Sobrang thankful din sa friend ko na nasa Macau at naka discount kami ng malaki at siyempre sa friend ko na nag-sponsor ng 10,000 PHP para budget sa food. Ang laking help din makabawas sa gastos. ๐Ÿคฃ

     ๐ŸŸ     Mcdo for Dinner - 80 HKD 
     ๐Ÿฅง     Parisian Egg Tart - 300 HKD (10 HKD per piece)



NOTE: Click over the photo to enlarge.

Expenses:

Total of 23,090.04 PHP ang nagastos ko sa buong trip (shopping for pasalubong not included).
See below para sa breakdown ng aking gastos.


NOTE: 
  • May budget kami na 10,000 PHP para sa food na sponsor ng isa sa kasama ko. Kapag naubos, doon pa lang kami mag kanya-kanya ng gastos pagdating sa pagkain. Which nagkasya naman kasama ang pamasahe sa second day namin sa Macau.
  • Hindi na kami bumili ng sim dahil may pinahiram ang hotel na phone with internet.
  • Hindi na rin kami bumili ng octopus card. Sa mismong train station na lang kami mismo nabili ng ticket.

DAGDAG KAALAMAN ATBP.
  • Magdala ng portable bidet/tabo.
  • Bring Tumbler. Madaming water refilling station sa Disneyland.
  • Wear super comfy shoes. Mapapalaban ka dito sa lakaran.
  • Magdala ng payong o raincoat lalo kung rainy season ang punta ninyo.
  • Magagamit sa Macau ang Hong Kong Dollar.
  • May kamahalan ng konti ang mga food kaya ok kung may dala kayo na pagkain.

๐ŸŒท Please don't forget to follow my Facebook Page AIEdventures for updates.






No comments:

Post a Comment

AIEdventure Sa Singapore ๐Ÿ‡ธ๐Ÿ‡ฌ

Mabuhay! This blog is all about my experience sa Singapore at concert ng SB19. Enjoy reading!๐Ÿค— NOTE:  Hindi ako professional blogger. Gusto...