Thursday, November 9, 2023

AIEdventure Sa Georgia at Armenia 🇬🇪🇦🇲

Mabuhay! This blog is all about our experience sa Georgia at Armenia (February 20-25, 2020).Enjoy reading!🤗


NOTE: Hindi ako professional blogger. Gusto ko lang i-share un experience ko sa mga napu-puntahan ko at hoping na may makuha kayo na idea at tips. 

[ Summary ng gastos included sa end ng blog ]


Day 1:  Touchdown Tbilisi, Georgia!
February 20, 2020 (Thursday)


Dumating kami around 4:00 PM sa Tbilisi Airport. Mabilis lang ang process sa immigration, hinanap lamang ang aming Passport at Civil ID at tinanong gaano kami katagal mag-stay.

Flight Ticket via Gulf Air - 99.00 KWD
Insurance: 5.00 KWD

Note: GCC Residents ay VOA (Visa on Arrival).

Free Wine after sa Immigration

Kami ay nag check-in ng isang gabi lang sa NOAH'S ARK B&B at sa kanila na rin kami nag-book ng aming airport pick-up. Since wala ng room that day sa Gudauri, Georgia ay minabuti na lamang namin na mag-stay ng isang gabi muna rito. Mabuti na rin ito dahil pahinga para sa mga bata at chance para makapag-papalit ng pera, makabili ng sim para sa internet at ng aming lu-lutuin sa Gudauri. 

NOAH'S ARK B&B (1 night): 187.00 GEL/14 PAX (14.00 GEL per person)
Airport Pick-up: 50 USD/14 PAX (4.00 USD per person)
SIM FOR INTERNET sa Georgia | BRAND: MAGTI (50 GIG Good for One Month) = 60 GEL/4 PAX (15.00 GEL each)

5-10 minutes na lakad lang ang aming hotel papunta sa East Point Mall at Carrefour (Grocery Shop). Dito na rin kami kumain ng Dinner. 

Taxi pabalik ng Hotel: 10 GEL/4 PAX (2.500 GEL per person)

Dinner at Tabla Duqani 

Note: Para sa aming Breakfast at Dinner kami ay nag-ambagan ng 10.00 KWD each dahil nasa plano na namin na mag-luto para mas makatipid. Sa Lunch naman ay kanya-kanya na kami. 

Day 2:  Let's tour Georgia!
February 21, 2020 (Friday)


8:30 AM ang pick-up ng aming guide na mag-hahatid papunta sa Gudauri. Simula na rin ng tour since otw na rin naman na ang ibang pasyalan.

Tour sa Georgia: 900 USD/13 PAX (70 USD per person)

Entrance Fee: FREE 

   

Ref Magnet: 10.00 GEL 

Entrance Fee: FREE 

  

Dito na ako bumili souvenir at ref magnet pampasalubong at nakagastos ako ng  60.00 GEL.



Sa tabi ng Svetitskhoveli Cathedral ay may for rent na Traditional outfit nila for 5.00 GEL only.

Traditional Georgian Coat and Hat
5.00 GEL 

Wine Tasting: 5.00 GEL


Bumili kami ng Georgian Brandy na plano naming inumin pagdating sa Gudauri. 36.00 GEL ang per bote at anim kami na naghati (6.00 GEL per person). Ang ibang mga kasama naman namin ay wine at vodka ang binili.

Old Kakheti Georgian Brandy, 10 Years
36.00 GEL per Bottle

Lunch: 20.00 GEL per person

NOTE: Try ninyo 'un Khinkali (Georgian Dumplings), the best!


Entrance Fee: FREE 



Entrance Fee: FREE 




After namin ma explore ang Ananuri Castle ay nag-byahe na kami ng halos 1 hour and 30mins pa punta sa aming hotel.

Hotel: Gudauri New Loft 1, Apartments 304-309 - Studio with Mountain view - 2,400 GEL/14 PAX (172.00 GEL per person plus 18.00 GEL each for Cleaning Fee)

Pagkababa nga pala namin ng car ay biglang nag snowfall. Nakakatuwa kasi halos lahat kami ay first time ma-experience ang snow.❄


Pagkadating namin sa hotel ay nag prepare na kami ng dinner. After kumain ay nag-explore na kami around the area. Sobrang accessible sa lahat, may mga restaurants, grocery store, mga bar at may malapit na Gondola Lift para sa mga may gusto mag ski o iba pang snow activities sa taas.

Day 3:  Time to enjoy the snow!
February 22, 2020 (Saturday)



Sinundo na kami ng aming guide at exactly 10:00 AM, meron kasing mag paragliding sa group namin at they refer us sa mga kakilala nila na may murang offer. 5 minutes drive lang ang layo ng resort from out hotel.


         
Paragliding - 300.00 GEL 

Need sumakay ng cable car (20.00 GEL per person) ng dalawang beses para makapunta sa pinaka mataas na part kung saan naroon ang starting point ng paragliding.


NOTE: You can bring your own action camera or bring memory card para maka less ng 20.00 GEL.

SKI MOBILE: 75.00 GEL (SOLO) | 90.00 GEL (2 PAX)

SLED: 30.00 GEL per person

After namin sa paragliding at ski mobile ay hinatid na kami ng driver pabalik. 

Bago mag-lunch ay nag-explore muna kami sa malapit na resort na steps away lang from our hotel. Need sumakay ng cable car papunta roon. May mga kainan at iba't-ibang snow activities na pwede mo gawin.

GONDOLA LIFT/CABLE CAR: 10.00 GEL per person

Pagkatapos namin mag-explore ay bumaba na kami para kumain ng lunch.

Lunch at Eskimos Bar

120.00 GEL/4 PAX rice and drinks included (30.00 GEL per person)


After lunch ay umuwi muna kami para makapag pahinga at pagdating ng 4:00 PM ay lumabas na kami ulit para makapag-chill.


1 Bottle of IPA Beer  - 9.00 GEL


Since sobrang lamig na sa labas ay lumipat naman kami sa bar kung saan merong videoke. Nakakatuwa kasi may family na na-meet namin from Europe at super game din sa kantahan.


1 Shot of Jägermeister - 9.00 GEL


Day 4:  Bye Gudauri, Georgia! Hello Yerevan, Armenia!
February 23, 2020 (Sunday)


After ng early check-out ay nag-byahe na kami around 7:00 AM from Gudauri to Armenia Border (2-3 hours drive). Sa border ay need mag bayad ng visa fee. Iba na ang tour guide namin dito, kakilala rin sya ng tour guide namin sa Georgia.


ARMENIA VISA FEE: 3,000 AMD
TOUR SA ARMENIA: 300USD/13PAX (24.00 USD per person)

NOTE: Hindi na kami bumili ng sim for internet dito kasi free wifi ang bus at may free bottled water din. 

Touchdown Armenia!


Since otw na ang ibang pasyalan ay pinuntahan na namin ito para maka-save ng time. Unang stop ay lunch sa Sevanavank Restaurant na malapit lang sa Lake Sevan at Sevanavank Monastery.

Lunch at Sevanavank Restaurant - 4,000 AMD per person

(2 Fish, 4 Rice, 4 Soda for 16,000 AMD/4 Pax)



NOTE: May for sale na mga kandila dito kung gusto ninyo mag-dasal.
          1 piraso ng Kandila - 100.00 AMD
  
Cable Car: 2,000 AMD

  
May pupuntahan pa sana kami na another Monastery pero since pagod na ang ang iba ay dumiretso na lang kami ng byahe papunta sa HotelSince 6:30 PM na rin kami nakarating sa hotel ay dali-dali na kaming nag prepare ng dinner. After dinner ay naglalakad kami around the area. Maganda ang lugar kung saan kami naka-stay kasi sobrang lapit sa Republic Square, sa grocery store, Restaurants at Mall.
   

Hotel: APARTMENTS EMILI - 88,000 AMD/14PAX (6,286 AMD per person)

Day 5:  Armenia Tour!
February 24, 2020 (Monday)


Entrance Fee: FREE 

  

Entrance Fee: FREE 


Entrance Fee: FREE 

Mga nabili ko:
          Ref Magnet for pasalubong: 4,500 AMD
          I Love Armenia T-shirt for myself: 3,000 AMD  


Lunch sa Food Court - 2,050 AMD per person


Entrance Fee: FREE 


Entrance Fee: 1,500 AMD per person


Pagkauwi galing sa Garni Temple ay nag prepare na ulit kami ng dinner. Pagkatapos ay naglakad lakad sa Republic square at nag chill na rin saglit sa Square One.

Ordered 1 Fruit Beer: 1,800 AMD



Day 6:  Vacation is over!
February 25, 2020 (Tuesday)


Picture-picture while waiting sa aming driver.


Story Time: Habang otw kami sa dalawang monastery na pupuntahan sana namin bago bumalik sa border pa Georgia ay biglang buhos ng napaka lakas na snowfall dahilan para maging madulas ang daan. Kaya we decided na mag stop over muna sa Tsovagyugh Supermarket and Food Court para mag kape at bumili ng mga chocolate pampasalubong (spent 10,000 AMD here). Sa sobrang lakas talaga ng snowfall ay nag decide na lang kami na maagang mag byahe pabalik sa boarder ng hindi kami gabihin sa daan. 

        

Enjoying the snow outside Tsovagyugh Supermarket and Food Court


Pagdating sa boarder doon na nagsimula magbago ang aming mga plano. Nagkaroon ng unang kaso ng Covid-19 sa Georgia dahilan para hindi na kami ulit makapasok. Dahil dito ay nag decide kami na bumalik ng maaga sa Kuwait at may balitang magsasara ito since may kaso na rin ng Covid-19 dito. 

Overall sobrang saya at memorable ng experience namin sa dalawang bansa na ito. Lahat kami ay nag-enjoy at excited na makabalik. Lalo sa Georgia at may itinerary kami na hindi na napuntahan dahil sa pandemic. 

Expenses:


Total of 250.580 KWD o 41,445.932 PHP ang nagastos ko sa buong trip sa Georgia at Armenia. Please check below ang breakdown ng lahat ng nagastos ko. 

NOTE: Click over the photo to enlarge.

Breakdown ng Expenses:



DAGDAG KAALAMAN ATBP.
  • Magdala ng condiments kung nasa plan ninyo magluto. Wala silang toyo. 
  • Mag download ng google translate sa phone. Malaking tulong lalo at Russian/Georgian ang language nila doon.
  • Bring Ecobag. May bayad ang plastic o ecobag pag mamimili kayo sa mga grocery store.
  • Bring Portable Bidet/Tabo.
  • May kamahalan ang bigas at may ibang restaurant na hindi nag se-serve ng kanin.
  • Magdala ng powerbank. 
  • Bring adaptor.

🌷 Please don't forget to follow my Facebook Page AIEdventures for updates.





























1 comment:

  1. Wow, it feels like kasama mo ako sa travel mo the way you explained everything. Sobrang helpful para sa mga tourist na gusto magpunta sa Georgia. Keep on blogging please. Antay ko next travel blog mo. 😍

    ReplyDelete

AIEdventure Sa Singapore 🇸🇬

Mabuhay! This blog is all about my experience sa Singapore at concert ng SB19. Enjoy reading!🤗 NOTE:  Hindi ako professional blogger. Gusto...