Tuesday, April 4, 2023

AIEdventure sa Bali ๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ฉ

Mabuhay! This blog is all about my solo adventure sa Bali, Indonesia. Enjoy reading!๐Ÿค—


NOTE: Hindi ako professional blogger. Gusto ko lang i-share yung experience ko sa mga napu-puntahan ko at hoping na may makuha kayo na idea at tips. 

[ Summary ng gastos included sa end ng blog ]


Day 1:  Hello, Bali!
May 27, 2019 (Monday)


First time ko mag-travel ng mag-isa kaya super kaba at excited ako talaga. Buti na lang nakakuha ako ng tour guide with pick-up and drop off na sa airport kaya less hassle na. Dumating pala ako ng gabi sa Bali via AirAsia and I checked-in sa Holiday Inn Express - Bali Raya Kuta (permanently closed na pala itong hotel๐Ÿ˜”).I had dinner na sa airport sa Pinas kaya pagdating ko ng hotel ay rest na ako agad. 

The tour guide was referred by a friend kaya tiwala naman ako. By the way naka-scooter lang kami dito, mas okay para sa akin kasi mabilis maka-singit sa traffic ๐Ÿ˜‚ and for me lang, parang mas feel mo ang vibe na nasa Bali ka pag naka-scooter. Regarding sa itinerary, ako na yung gumawa ng list ng mga gusto ko puntahan kaya susundan na lang namin or kapag hindi kaya the tour guide will suggest saan mas okay pa pumunta.

Tour Guide Price:  250,000 IDR per Day 
Total: 780,000 IDR for 3 Days (Gas, Tip and Airport pick-up and drop-off included)

Day 2:  Gala Day!
May 28, 2019 (Tuesday)


After breakfast buffet ay sinundo na ako ng tour guide para masimulan na ang tour. We started the trip around 7:00 AM para hindi pa masyado ang tao sa mga tourist spot.

Note: Below ay ang pagkaka-sunod sunod ng mga pinuntahan ko that day.

Entrance Fee: 80,000 IDR

 

Entrance Fee: 10,000 IDR
Donation Fee: 10,000 IDR
Parking Fee: 2,000 IDR


You can take photos sa mga nest, sumakay sa swing at kumain overlooking sa magandang view ng rice terraces dito.

 
Nest: 50,000 IDR

Swing: 100,000 IDR

Entance Fee: 10,000 IDR

May mga nest din doon na pwede ka magpa-picture, kasama na ang bayad ng mga iyon sa entrance fee. 



After sa Tegenungan Waterfall ay nag-lunch muna ako para may energy sa next destination. Sa Warung o carinderia style sa pinas ang peg ako kumain. I ordered fried chicken, isda, gulay with iced tea na drinks (all for 24,000 IDR) plus bottled water (10,000 IDR).

Note: Ramadan at fasting ang tour guide ko kaya ako lang talaga ang nakain at nainom.

Entrance Fee: 30,000 IDR



Ang ganda ng sunset dito, madami rin monkeys at dito ka pwede manuod ng Kecak Dance. Sayang lang kasi di na ako nakanuod at sobrang puno na sa venue that time. 

Mahaba din ang byahe pabalik ng hotel from Uluwatu kaya sobra un gutom ko pagdating. Buti na lang may kainan sa tapat ng hotel at doon na ako nag-dinner.

             Dinner: Nasi Goreng,Coke and Bintang Radler-Orange (local beer nila) - 102,000 IDR 

After dinner ay nagpunta naman ako sa convenience store na malapit lang rin sa hotel para bumili ng kung ano-ano lang (candies, drinks, chocolate) and I spent 33,500 IDR doon.


Day 3:  It's Nusa Penida Day!
May 29, 2019 (Wednesday)


Maaga kaming umalis papunta sa Sanur Port para maabutan ang ferry (200,000 INR per person) patungo sa Nusa Penida. Maari kang mag whole day tour o mag-stay sa mga hostel doon kung hindi naman limited ang time ng stay mo sa Bali.

Nagbayad ako ng 2,000 IDR para sa parking ng scooter sa Sanur Port (hindi kasi pwede dalhin sa kabilang island) at 70,000 IDR para sa rent ng scooter for the whole day na gagamitin sa mismong island.

Parking Fee/ Entrance: 2,000 IDR


If byahilo ka be ready, hindi pa kasi lahat sementado kaya maalog talaga sa byahe. Ihanda rin ang katawan sa trekking pababa ng Kelingking Beach, makipot at matarik ang daan. Sinubukan ko pero sumuko ako sa kalagitnaan. Natakot kasi ako dahil nadulas at muntik mahulog (lampa lang siguro ako talaga at sobra mabilis mapagod).๐Ÿ˜‚ 

After ng attempt ko sa pagbaba ng beach ay ginutom ako ng sobra kaya nag-lunch na ako sa pinaka malapit na restaurant sa area.

Lunch
Mie Goreng - 30,000 IDR   
2pcs Bottled Water - 20,000 IDR

Entrance Fee: 5,000 IDR
Parking Fee: 1,000 IDR


After lunch ay nag-byahe na kami papunta sa Angel Billabong at Broken Beach, halos magkatabi lang din ito at may kainan around the area. Sayang kasi high tide niyan, hindi kami pinayagang makapag-swimming. Kaya more take ng photos at rest lang ang nagawa ko. Pagkatapos maka-pahinga ay nag-ready na rin kami pabalik sa port, mahirap maiwan ng ferry at 5pm kailangan naroon ka na. 

Since sobra ang pagod ko sa byahe at trekking sa island ay nag-decide ako pa-massage malapit sa hotel. Gusto ko rin ma-try ang masahe nila dito and I must say sobrang worth it ng experience. 
  • Balinese Massage (1 Hour,Whole Body) - 100,000 IDR

After ng massage ay naghanap na ako ng makakainan around the area sa sobrang gutom ay napa-extra rice ako talaga.๐Ÿ˜‚

Dinner
 Paket Ikan Goreng/Bakar - 35,000 IDR
Coconut Juice - 10,000 IDR 
Extra Rice 9,000 IDR 

Legian Street 
If gusto mo ng nightlife perfect ang place na ito para sa iyo. Madaming mga bar dito pili ka lang ng vibe na gusto mo. Pumasok ako sa bar to rest at siyempre i-try ulit un favorite ko na beer nila.
  • 2 pcs - Bintang Radler-Lemon (30,000 IDR per piece) Total: 60,000 IDR


Day 4:  Last Hoorah sa Bali!
May 30, 2019 (Thursday)


Entrance Fee: 60,000 IDR 


Ang laking lugar ng Tanah Lot, may mga restaurant at bilihan ng souvenirs sa loob. Maganda rin ang view at sabi nila maganda rin ang sunset dito. 







Maganda ang ambiance ng place. Maari ka din mag-surf o di kaya sa pool mag-swimming. Nag-chill lang ako dito at swimming saglit almost tanghali na rin kasi niyan at sobrang init sa balat ng araw.
  •        Coconut Juice | 2 pcs - 117,700 IDR
After Finns ay nagpunta naman kami sa tindahan ng mga Bali Bags and souvenirs for pasalubong. Mura lang halos ang mga paninda nila kaya mapapadami ka talaga ng bili. 

Note: Sobrang sarap for me ng sauce nila na, ang Sambal (Indonesian Chilli Sauce). Magugustuhan mo ito kung mahilig ka sa spicy. Ginawa ko din itong pampasalubong kasi mura lang din naman. 


Pagkatapos mag-shopping ay nag-lunch na muna ako bago bumalik sa hotel para ayusin ang mga gamit ko.

Lunch
Ayam Penyet (Fried Chicken with Chili Sauce)30,000 IDR



Since maaga pa bago ang flight ko ay tumambay muna kami sa Kuta Beach. Nakakatuwa kasi madami ako na-meet na mga traveller na galing pa ng Russia, Belgium at iba pang part ng Europe. Sayang nga lang at last day ko na kaya saglit lang ang naging bonding. 

Sa airport na ako kumain ng dinner kasi may time pa bago ang mismong flight ko. At since paalis na, last chance ko na makainom ng favorite ko na beer nila.๐Ÿ˜‚

Dinner sa Airport + 1 pc - Bintang Radler Orange  - 100,000 IDR

Expenses:

I spent a total of 2,081,200 IDR and that is 42.44 in KWD mga around 7,613 sa Peso.
Note: Plane Ticket, Hotel, Travel Tax (1,620 PHP) and Pasalubong ay hindi pa included sa total.

To be honest, 3 days stay sa Bali ay hindi enough kasi ang daming magagandang pang lugar na hindi ko napuntahan. But if you are on a budget at restricted sa araw then 3 days is fine. ๐Ÿ‘

NOTE: Click over the photo to enlarge.




DAGDAG KAALAMAN ATBP.
  • Bring Universal Adaptor at powerbank.
  • Bring Tumbler. Bago ako umaalis ng hotel ay nag re-refill ako ng water sa breakfast buffet.๐Ÿ˜‚
  • Bring Sunblock to protect your skin sa araw.
  • Bring First Aid Kid or Tita Essentials (Eficascent Oil, Tiger Balm Etc.), Gamot (for sakit ng ulo, tiyan).
  • Hindi na ako bumili ng sim for internet connection. Meron naman kasi free wifi sa hotel. At since local naman un tourist guide ko tiwala naman ako na alam niya yung daan.
  • Breakfast ay complimentary sa hotel kaya hindi included sa summary ng expenses.

๐ŸŒท Please don't forget to follow my Facebook Page AIEdventures for updates.

2 comments:

  1. Ang ganda ng mga pictures mo bibe Ai. Luvet! Sana mapost mo pa yung ibang mga aiedventures mo.

    ReplyDelete
  2. mam ganda po ng blog nyo..kumpleto npo.kpag nagtravel ako ttgnan ko to sbhn ko din s mga friends ko kc detailed po lht pati gastos.sana makapunta din ako dyn๐Ÿฅฐ

    ReplyDelete

AIEdventure Sa Singapore ๐Ÿ‡ธ๐Ÿ‡ฌ

Mabuhay! This blog is all about my experience sa Singapore at concert ng SB19. Enjoy reading!๐Ÿค— NOTE:  Hindi ako professional blogger. Gusto...