Thursday, January 12, 2023

AIEdventure Sa Singapore 🇸🇬

Mabuhay! This blog is all about my experience sa Singapore at concert ng SB19. Enjoy reading!🤗

NOTE: Hindi ako professional blogger. Gusto ko lang i-share un experience ko sa mga napu-puntahan ko at hoping na may makuha kayo na idea at tips. 

[ Summary ng gastos included sa end ng blog ]


First time ko makapunta sa Singapore all because of SB19. I went there para manuod ng WYAT Tour Concert nila at the same time celebration na rin ng birthday ko at below ay list ng gastos ko sa buong trip. 

Day 1:  Hello, Singapore!
November 26, 2022 (Saturday)


Ticket Price: 82.840 KWD (14,950.67 PHP) via Cebu Pacific (PH-SG-PH route) dated November 26-29, 2022.
*with travel tax, 20 kilos baggage and meal (for SG-PH route only) included.

We arrived early evening sa Singapore (Terminal 4) with a co-A'tin na na-meet ko lang sa airport sa Pinas, si Manai. Isa sya sa kilalang fansite ni Stell Ajero at ng SB19. Alam niyo ba paano namin nalaman na pareho kaming A'tin kahit hindi talaga kami magka-kilala? Aba'y pareho lang naman naming suot ang merch namin from Superior Son that time. It was nice to see a co-A'tin na kasabay mag-biyahe kasi, sa totoo lang ay mag-isa ko lang talaga. 

We separated pagkadating ng mga friends na sumundo sa kanya niya na A'tin din. After namin mag-paalam sa isa't-isa ay diresto na ako agad sa Terminal 3 para kunin 'yung binili ko na simcard sa Klook. Free lang un bus papunta sa Terminal 3 from Terminal 4 need mo lang antayin un next trip.


A'tin = Fandom Name ng SB19 na ang ibig sabihin ay ATIN/OURS. 



Photo 1: At Terminal 4 - Singapore Changi Airport

Photo 2: MRT Card for 12.00 SGD - Nag-offer yun staff na nasa stall kung saan ko kinuha ang sim card. Kinuha ko na din para di na ako mag-hanap saan pa pwede makabili.

Photo 3: Sim card for 393 PHP via Klook - Sim card with internet (100 GIG with free call) na un binili ko at kukunin lang sa Terminal 3 sa Singapore mismo. Since ang landing ng plane ko ay Terminal 4 nag-bus ako from there, free lang naman ang sakay kaya okay lang.


After ko makuha ang sim card ay hinanap ko agad kung nasaan ang The Jewel, nasa Terminal 3 lang din kasi ang daan papunta roon at sakto rin kasi may light show 'nun pagkadating ko kaya nakanuod ako bago hanapin 'yun hostel ko.



Pagkarating sa hostel ko sa Chinatown ay naghanap ako agad ng makakainan dahil sobrang gutom na ako talaga. Nag-lakad lang ako ng konti malapit sa hostel at nakita ko na madami talagang kainan, kaso medyo late na rin at halos nag-sasara na sila kaya doon na ako kumain agad sa resto na nakita ko na bukas pa that time.

Hostel Name: Royal Lodge @ Pagoda Street, Chinatown (for 2 nights only)
Price: 115.00 SGD

Dinner at Sawasdee Thai Restaurant 
Pork with rice and Egg 13.00 SGD + Coke 4.00 SGD = 20.00 SGD

DAY 2: #WYATTourSG Concert sa Sentosa
November 27, 2022


Maaga pa lang ay umalis na ako ng hostel para pumila at kumuha ng number sa concert kahit hapon pa naman ang soundcheck at mismong concert. Nakakatuwa lang din kasi may nakasabay ako sa bus na mga A'tin na taga Singapore kaya hindi ako naharipan hanapin 'yung venue. After namin mabigyan ng number ay inaya ako ng mga kasama ko na umikot muna sa Sentosa bilang first time ko dito.

Bago kami bumalik sa pila for soundcheck ay nag-lunch muna kami para may energy. Since may baon ang mga kasama ko ay bumili muna ako sa Mcdo ng Sausage Meal Wrap with Soda (7.00 SGD).

Habang nag-aantay sa pila ay may busking na naganap gawa ng A'tin Singapore.



Concert Venue: The Colisuem, Hard Rock Hotel Singapore - Resorts World Sentosa 

Time for Soundcheck!!!

SVIP with Soundcheck and Photo Op pala un kinuha ko na ticket. Tinodo ko na kahit VVIP na ako sa #WYATTourDubai. Minsan lang kasi ako makanuod ng concert bilang working ako abroad kaya super grab ko na talaga yun chance. 

Sa souncheck maswerte akong nakapag-selfie with Ken Suson at Josh Cullen Santos. Sobrang saya ko talaga kasi napansin at napagbigyan nila ako. Plus, napirmahan ni Josh ang Tilaluha CD ko


After soundcheck ay pinapila na kami for Photo Op with SB19. 📸
PS: 'Nun last shot na sabi ko, "Wacky!!!" lahat ng boys napatingin sa akin 'tas si Justin tawang-tawa sa sinabi ko. 😂


WYAT Singapore Ticket Price: 115.00 SGD (SVIP with soundcheck)
Photo Op Price: 50.00 SGD
WYAT Singapore T-shirt Merch: 1,500 PHP

Pagkatapos ng Photo Op ay bumalik na ako sa loob ng venue para mag-relax muna at super tayo na mamaya sa mismong concert. While waiting nakita ko na mayroong nagtitinda ng mga drinks at napabili ako ng soda (6.00 SGD) para ma-refresh. 


CONCERT TIME!!!

Grabe un hype ng crowd pagkalabas ng SB19. Sobrang galing, live na live kumanta at hataw sa sayaw. 
Kung bibigyan ko ng rating un concert it's 100/10, perfect pa sa perfect as in. If you are not a fan please try to check them out hindi kayo mag-sisisi.

While kinakanta nila un Hanggang Sa Huli tinuro ako ni Ken Suson! 😭 Grabeng kilig at sigaw ko that time talaga, kaya sa dalawang WYAT Concert na napuntahan ko I think #WYATTourSG un pinaka favorite ko kasi ang daming nangyari talaga. At bago matapos ang concert, si Justin De Dios naman ang pumirma sa Tilaluha CD ko.


Nag-dinner na lang kami sa Mcdo after ng con kasi sobrang pagod at gutom na din namin talaga. I ordered, Double Cheese Burger with fries and drinks (7.20 SGD). Then, diretso na kami sa MRT. Bago kami mag-hiwalay ay may nadaanan kami sa Vivo City na parang pa-event bilang malapit na ang Christmas. May Christmas Tree tska pa-fake snow. After picturan ay naghiwalay na kami since iba sila ng way pauwi.


Since 2.00 SGD na lang laman ng MRT card ko ay nag-reload na ako ng 10.00 SGD (5 lang sana kaso 10 lang un small bill ko). 


Katabing-katabi lang ng hostel ko un mga bilihan ng souvenir. Kaya bumili muna ako bago umakyat sa hostel. Isip ko kasi baka wala na akong time kinabukasan at maaga na naman ako aalis para sa tour. Total of 40.00 SGD pala nagastos ko para sa souvenir.


DAY 3: Gala Day sa Singapore
November 28, 2022


Two days before ng flight ko nag-book ako ng photoshoot sa Airbnb. Reason is isang araw lang yun gala ko at since solo ako gusto ko naman may maganda akong photos remembrance ng aking Singapore trip. Kaya pala 3 days lang din un trip ko ay need ko makabalik ng Pinas dahil birthday na aking Father ng 30th.


Sulit for me yun booking ko kasi tour with photoshoot na rin un naganap. Hindi na ako ma-hassle hanapin un location at mag-ask ng ibang tao para magpa-picture.

The entire activity lasted for two hours and below 'yun mga locations na pinuntahan namin to shoot.

1. Merlion
2. Helix Bridge/Marina Bay Sands
3. Gardens by the Bay 




Super gutom ko after ng shoot at sakto bago ako makalabas ng MRT station pabalik ng hostel ay nakita ko 'tong kainan. Masarap un Chicken Curry with milktea (7.00 SGD) 'tas bumili pa ako ng Soda (2.00 SGD) kasi init na init talaga ako.


Kinuha ko lang actually un luggage ko sa hostel dahil lilipat naman ako ng Hotel banda sa Orchard. 
I'm actually waiting for a friend din kaya imbes gumala ulit ay nag-pahinga na lang muna ako kasi sobrang pagod ko talaga sa shoot.  After work ng friend ko ay naglakad-lakad lang muna kami ng konti sa Orchard before mag-dinner sa Paragon Shopping Centre sa may Aburi-en Japanese Restaurant. 

PS: Free un dinner ni Friend kaya naka-tipid ako.🤣



Since gabi na at wala na masyado magalaan ay nag-aya na lang ako ulit sa Gardens by the Bay kasi sabi ng photographer maganda daw dito kapag gabi. Sakto din kasi may light show pagkadating namin. Tama nga ang ganda pag gabi doon kasi 'un ilaw 'tas nice din kasi may pa happy holidays sa tapat ng Marina Bay Sands sayang may light show din daw doon kaso late na 'yan kaya hindi na namin naabutan. Ang ganda rin sa Orchard Road paskong-pasko un daan (second to the last photo) hehe 'Un palang last photo may Sampan Ride sa loob ng Marina Bay Sands Mall.




DAY 4: Paalam, SG!
November 29, 2022


Since may budget pa, nag-decide na lang ako mag-taxi papunta sa Airport. Kaya after breakfast buffet sa hotel ay nag-ask ako sa receptionist ng help para makuhanan ako ng taxi. 2hrs bago ng flight ako nagpunta, kasi sabi nila sobrang bilis at walang hassle sa Singapore airport. 25.00 SGD pala ang binayad ko sa taxi from Orchard going to Airport. 



For the gastos, I spent around 215.64 KWD and that is 38,955 in Peso. 😅 
But everything is sulit naman so don't mind the total. 🤣

NOTE: Click over the photo to enlarge.



DAGDAG KAALAMAN ATBP.
  • Bring Universal Adaptor.
  • Bring Tumbler. Ang laking help na may dala ako na Aquaflask. Nakuha lang ako ng water at yelo sa hotel bago ako aalis. Medyo pricey din kasi water doon. 
  • Ang init nun time na nagpunta ako sa SG like mas mainit pa kesa sa Pinas. Bring pamaypay, neck fan, towel/bimpo/tissue at super hydrate yourself.
  • Bring First Aid Kid. (Band-Aid, Gamot sa sakit ng ulo, tiyan, paracetamol, Eficascent Oil para sa masakit na kasu-kasuan kasi porda lakad ka talaga doon.
  • Bring Powerbank. 
  • Bring Portable Bidet. Walang Bidet sa public toilet nila pwera sa hostel at hotel na pinag-stayan ko meron.
  • Bring Payong. Mainit tas bigla uulan sa SG so, be ready.
  • Okay na walang mask doon except sa mga public transportation.
-

Story Time: Naging fan ako ng SB19 around June ng 2021. Nahulog ako ng matindi sa grupo ng mapanuod ko yun ShowBreak segment nila sa Youtube. Sobrang talented at funny nila kaya ma-hook ka talaga. After nun, sinundan ko na ang mga ganap nila online. 
Unang concert na pinanuod ko ay Our Zone (SB19 Third Anniversary Concert) online dated November 27, 2021 and a year later with the same date ito ako ngayon nasa last leg ng unang international tour nila sa Singpore. It was surreal na makita at mapanuod sila ng live. At as a first time fangirl I will forever cherish this day talaga. 💙

Please try to check SB19. Worth to Stan sila mga Bhie!




🌷 Please don't forget to follow my Facebook Page AIEdventures for updates.



3 comments:

  1. Nice nmn nagutom ako sa travel mna toh teh asia 😅😂😂😂🤘

    ReplyDelete
  2. to more travel and adventures po and to more SB19 concert. deserve mo po yan so much :>

    ReplyDelete
  3. nice naman po nto.kumpleto lahat.fan din po ako ng sb19..

    ReplyDelete

AIEdventure Sa Singapore 🇸🇬

Mabuhay! This blog is all about my experience sa Singapore at concert ng SB19. Enjoy reading!🤗 NOTE:  Hindi ako professional blogger. Gusto...